REY E. MARTINEZ
Maraming taon na ang lumipas simula nang maranasan ng buong mundo ang hagupit ng pandemyang tinatawag na COVID 19 at patuloy paring humahamon sa ating lahat hanggang sa kasalukuyang panahon. Dulot rin ng pandemyang ito, maraming mga Pilipino sa ating bansa ang nahirapang bumangon dahil sa mga pagsubok na ibinigay ng pandemyang ito. Kasama sa mga nahirapang umusad ang iba’t ibang sektor sa ating lipunan, partikular na nga ang sektor ng edukasyon na kinabibilangan ng mga guro at daan-daang mag-aaral sa ating bansa.
Sa kabila ng nararanasang pandemya, napagdesisyunan ng ating gobyerno, kasama ng mga sektor ng edukasyon tulad ng Department of Education (Deped) at Commission on Higher Education (CHED) na ipatupad ang distance learning upang kahit nasa gitna tayo ng pandemya ay maipagpatuloy parin ng mga mag-aaral at kaguruan ang proseso ng pagkatuto ng bawat isa. Kaakibat nito ang mga paraan gaya ng online, blended, at modular upang kahit nasa kanilang mga tahanan lamang ay masigurong nakakapag-aral parin ang mga estudyante; at sinimulan nga ang pagbubukas ng klase sa ating bansa noong ika-5 ng Oktubre taong 2020.
Ilan nga sa mga negatibong epekto nito ang mga sumusunod:
Una, hindi lahat ay may
kakayahang makasabay sa paraan ng online learning, dahil sa kakulangan ng sapat na salapi
upang mabili ang teknolohiyang gagamitin sa pagkatuto, kasama na nga rito ang internet o load
na kakailanganin din upang mas makasabay pa sa pag-aaral.
Pangalawa, ang mahinang signal
ay hamon rin sa mga guro at mag-aaral para sa daloy ng kanilang mga gawain at aralin.
Pangatlo,
limitado lamang ang mga gawaing maaari nilang isagawa upang mas lalo pang maunawaan ang
mga aralin.
Pang-apat, mas mahirap para sa mga guro ang magturo dahil hindi nila kaharap ang
kanilang mga estudyante.
Pang-lima, ang ilang mag-aaral ay hindi tutok sa kanilang pag-aaral
dahil hati sa ibang bagay ang oras at atensyon.
Sa kabuuan, ang mga negatibong epekto ng online class ay tunay na nakakabahala para sa pisikal at mental na kalusugan ng mga guro at ng mga mag-aaral
Content and Creativity
ReplyDelete40% of total score- 40
Voice
20% of total score- 18
Text Layout, Use of Graphics and Multimedia
20% of total score- 20
Timeliness and Tags
10% of total score- 10
Citations
5% of total score- 5
Quality of Writing and Proofreading
5% of total score- 5
TOTAL- 98