REY E. MARTINEZ
Maraming taon na ang lumipas simula nang maranasan ng buong mundo ang hagupit ng pandemyang tinatawag na COVID 19 at patuloy paring humahamon sa ating lahat hanggang sa kasalukuyang panahon. Dulot rin ng pandemyang ito, maraming mga Pilipino sa ating bansa ang nahirapang bumangon dahil sa mga pagsubok na ibinigay ng pandemyang ito. Kasama sa mga nahirapang umusad ang iba’t ibang sektor sa ating lipunan, partikular na nga ang sektor ng edukasyon na kinabibilangan ng mga guro at daan-daang mag-aaral sa ating bansa. Sa kabila ng nararanasang pandemya, napagdesisyunan ng ating gobyerno, kasama ng mga sektor ng edukasyon tulad ng Department of Education (Deped) at Commission on Higher Education (CHED) na ipatupad ang distance learning upang kahit nasa gitna tayo ng pandemya ay maipagpatuloy parin ng mga mag-aaral at kaguruan ang proseso ng pagkatuto ng bawat isa. Kaakibat nito ang mga paraan gaya ng online, blended, at modular upang kahit nasa kanilang mga tahanan lamang ay masigu